I really like this scene.
Emily: Marco, nandito ka pala.
Marco: Emily. Nag-uusap lang kami ni Tita Henya. Nagbaka sakali lang ako na nandito si Daniel.
Emily: Ok lang. Di ko naman ipinagkakait ang anak ko eh.
(pause.. titigan)
Emily: Anak natin.
(Sabay singit si Manang Henya)
Manang Henya: Marco, parating na si Daniel. Hintayin mo na lang siya. Atsaka dito ka na lang kumain.
Marco: Di na siguro, tita. Baka magalit ang fiance ni Emily.
(Sabay lingon si Emily kay Marco)
Manang Henya: Si Henry? Hindi naman niya nobyo yon.
(Lingon naman si Marco kay Emily)
Marco: Hindi mo na ba siya papakasalan?
Emily: Hindi.
Marco: Bakit?
Emily: Akin na lang yun.
Manang Henya: Ano, Marco? Hihintayin mo na lang ba si Daniel? Para makasalo mo siya.
Marco: Ok lang sayo, Emily?
Emily: Oo. Ok lang sakin. Walang problema.